UST pumangalawa sa nutrition board exams
ni Vince Ferreras
Pumangalawa ang Unibersidad sa katatapos lamang na nutritionist-dietitian licensure examinations nitong Agosto.
Batay sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), nagtala ang UST ng 97.65 bahagdan na passing rate kung saan 83 sa 85 na mga Tomasinong kumuha ang pumasa sa nasabing pagsusulit.
Ito ay mas mataas sa natamong 90.53 bahagdang passing rate noong nakaraang taon, kung saan 86 ang pumasa mula sa 95 kumuha ng pagsusulit.
Tatlong Tomasino ang nakapasok sa listahan ng mga nakakuha ng matataas na marka sa pagsusulit.
Pinangunahan ni Camille Sia Ang ang mga bagong Tomasinong nutritionist at dietitian, pagkatapos niyang makuha ang ika-apat na puwesto. Nagtamo siya ng 89.80 bahagdan na grado.
Nasa ikalimang puwesto naman si Danca Francisco, na nakakuha ng gradong 8.75 bahagdan.
Nakuha naman ni Elisa Mae Garcia ang ikawalong puwesto, na may markang 89.05 bahagdan.
Pareho namang itinanghal na top performing school ang University of the Philippines Diliman at University of the Philippines Los Baños, pagkatapos nilang matamo ang 100-bahagdan na passing rate.
Ayon sa PRC, 916 mula sa 1,279 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa ang pumasa.