UST, patuloy na magiging ‘proactive’ sa gitna ng mga krimen umano sa U-Belt

TomasinoWeb
2 min readAug 21, 2022

--

Ni Justine Xyrah Garcia

(Larawan ni Ricardo Magpoc Jr./TomasinoWeb)

Sa pagsisimula ng klase sa tinaguriang University Belt ng Maynila noong nakaraang linggo, Agosto 15, ay nagsimula ring kumalat ang kaliwa’t kanang mga posts sa social media tungkol sa mga estudyanteng ninakawan at dinudukot.

Bagaman wala pang kumpirmado sa mga naturang inisdente, ang pagkalat ng mga ganitong post ay nagbigay pangamba sa mga mag-aaral na nasa U-Belt, kung saan kabilang ang UST.

Ayon kay Secretary General Fr. Louie Coronel O.P., patuloy na magiging alisto at maagap ang Unibersidad upang siguraduhin ang kaligtasan ng lahat ng stakeholders nito.

“We continue to be vigilant and proactive in addressing issues that are detrimental to our safety and security, not just when we have events, but throughout the academic year,” aniya sa isang panayam sa TomasinoWeb.

Sa darating na Thomasian Homecoming sa Martes at Miyerkules, makaaasa ang mga mag-aaral na pananatilihin ng Unibersidad ang kaligtasan ng lahat ng dadalo.

Bukod sa patuloy na pagbabantay ng mga security personnel at Quick Response Team ng Unibersidad, humingi na rin ng tulong ang UST Security Officers sa mga kalapit barangay upang panatilihin ang seguridad ng pamantasan.

Ang Unibersidad ay nakipagtulungan din sa Barbosa Police Station 14 para sa pagkakabit ng “spot lights” sa kahabaan ng A.H. Lacson noong Huwebes, Agosto 18.

(Mga spot lights sa likod ng Albertus Magnus at Roque Ruaño. Mga larawan mula sa Office of the Secretary General)

Ani Coronel, ang “napapanahong” koordinasyon ng Unibersidad sa pulisya ay naging daan upang “paigtingin ang seguridad” sa buong U-Belt.

Ibinahagi rin ng secretary general ang emergency hotline numbers ng Manila Police District na maaaring tawagan ng mga Tomasino kung sila’y nakaranas o nakakita ng krimen.

(Larawan mula sa Office of the Secretary General)

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet