UST, nanguna sa OT board, pumangalawa sa PT board

TomasinoWeb
2 min readAug 15, 2018

--

Kuha ni Abbie Vinluan/TomasinoWeb.

Nanguna ang Unibersidad sa occupational therapist (OT) board examination at pumangalawa sa licensure exam para sa mga physical therapist (PT) nitong nagdaang Agosto.

Nagtala ng 97.18-porsiyentong passing rate ang UST sa OT board, kung saan 69 sa 71 na Tomasino na kumuha nito ang nakapasa.

Mas mataas ito sa 94.37-porsiyentong passing rate na nakuha noong nakaraang taon.

Sampung Tomasino ang nakapasok sa listahan ng mga nakakuha ng matataas na marka sa pagsusulit.

Pinangunahan ni Coleen Reyes Perez ang mga bagong Tomasinong occupational therapist pagkatapos makuha ang ikatlong puwesto. Nakakamit siya ng 83.20-porsiyentong passing rate.

Ika-apat sina Maria Daniella Custodio at Christine Anne Factoriza Habulan na nakakuha ng markang 83 porsiyento.

Nasa ika-anim na puwesto si Phoebe Kay Co Chan na nagkamit ng markang 82.40 na porsiyento.

Ikapito naman sila Marie Antoinette Jimenez, Dominique Danielle Ong at Aaron Jan Versoza na nakakuha ng 82.20 porsiyento.

Ikawalo si Kassandra Claude Carrascal na nakapagtala ng 82 na porsiyento.

Nasa ikasiyam na puwesto si Alyanna Kate Santamaria na nakakuha ng markang 81.80 porsiyento.

Pangsampu naman si Andree Alexis Nebrada na nakakuha ng 81.60 porsiyento.

Samantala, nagtala ng 94.23-porsiyentong passing rate ang UST sa PT board exam.

Kapansin-pansing mas mababa ito sa marka ng Unibersidad noong isang taon na 98.97-porsiyentong passing rate.

98 sa 104 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa naturang pagsusulit.

Ayon sa Professional Regulation Commission, 209 sa 307 ang nakapasa sa OT board exam at 931 naman sa PT licensure exam na 1,379 ang kumuha ng pagsusulit. R. Alvaro

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet