UST nagtala ng 95.34% passing rate sa MedTech boards

ni Vince Ferreras

TomasinoWeb
2 min readAug 31, 2017

Bahagyang tumaas ang passing rate ng Unibersidad sa katatapos lamang na licensure exam para sa mga medical technologist, kung saan nagtala ito 95.34 bahagdang passing rate, batay sa resultang inilabas ng Professional Regulation Comission (PRC).

225 mula sa 236 na Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang pumasa. Mas mataas ito kumpara sa 93.77 bahagdan noong nakaraang taon, kung saan 286 mula sa 305 na Tomasino ang pumasa.

Apat na Tomasino ang nakapasok sa listahan ng mga nakakuha ng matataas na marka sa pagsusulit.

Pinangunahan ni Shaira Rae Billena ang mga bagong Tomasinong medical technologists, pagkatapos niyang makuha ang ika-apat na puwesto. Nakakuha siya ng 90.60 bahagdan na grado.

Pareho namang ika-walong puwesto sina Neill Steven Cachuela at Joed Ivan Mata, na mga nagtamo ng 90.20 bahagdan na marka.

Nasa ika-sampung puwesto naman si Carissa June Ferreras, kung saan kasama niya sina Fedelene Cawagas ng San Agustin University, Neil Albert Closa ng Lyceum of the Philippines University-Batangas, Julie Ochoterena ng Siliman University. Lahat sila ay nakakuha ng 90.00 bahagdan na grado.

Itinanghal naman na top performing schools ang University of San Agustin, Cebu Doctors University, Holy Name University, at Colegio San Agustin- Bacolod City. Lahat sila ay nagtamo ng 100 bahagdan na passing rate.

Ayon sa PRC, 4,821 mula sa 5,661 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa ang pumasa.

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet