UST, ika-7 sa mga pamantasan sa bansa na pasok sa Web rankings
Bumaba sa ika-pitong pwesto ang UST, mula sa ika-apat noong nakaraang taon, sa listahan ng 259 na mga pamantasan sa bansa na pasok sa Webometrics Ranking of World Universities.
Ang UST ay lumapag sa ika-3,216 na pwesto mula sa 11,999 na mga unibersidad sa buong mundo. Bumaba ito ng 484 na pwesto mula sa ika-2,732 noong 2016.
Nangunguna pa din ang University of the Philippines (UP) Diliman sa buong bansa, na nasungkit ang ika-1,451 na pwesto sa buong mundo. Mas mababa ito kaysa noong nakaraang taon kung saan ito ay nasa ika-1,268 na pwesto.
Sumunod naman ang De La Salle University na nasa ika-1,881 na pwesto. Bumaba ito mula sa ika-1,842 na pwesto noong nakaraang taon.
Pumangatlo naman ang UP Manila sa bansa, na nasa ika-2,546 na pwesto. Bumaba ito ng 406 na pwesto mula sa ika-2,952.
Ang buong UP system ay ang lumapag sa ika-apat na pwesto sa buong bansa at ika-3,010 naman sa buong mundo, mas tumaas ito ngayon mula sa ika- 3,186.
Nasa ika-3,022 na pwesto sa buong mundo, bumaba ng 1,134 na pwesto mula 1,888 ng nakaraang taon.
Ang Webometrics ay binuo ng Spanish-based research group na Cybermetrics Lab.
Hinihikayat ng Webometrics ang lahat ng mga unibersidad sa mundo na paigtingin ang popularidad sa worldwide web, sa pamamagitan ng paglalabas ng mas maraming mga siyentipikong pag-aaral. — M.W. Dela Paz