UST, bigong makamit ang ‘School of the Year’ sa Student Quill Awards matapos ang pitong taon na pagkapanalo
Ni Xander Dave Ceballos
Bigong masungkit ng Unibersidad ang ‘School of the Year’ award sa 9th Philippine Student Quill Awards noong Huwebes, Agosto 18, na tumuldok sa pitong taong sunud-sunod na pagkapanalo nito.
Ang titulong ito ay inuwi ng De La Salle-College of Saint Benilde, na nagmamarka ng kanilang unang pagkawagi sa parangal na ito.
Ang Unibersidad ay inanunsiyo bilang second-runner up sa nasabing parangal, habang ang sister school naman nito na UST-Angelicum College ang kinilala bilang third-runner up.
Pinapangaralan ng Student Quill Awards ang mga obra ng iba’t ibang institusyon na may kinalaman sa komunikasyon taun-taon.
Ang UST ay nakapag-uwi ng 28 na parangal sa nasabing seremonya.
Kasama na rito ang TomasinoWeb na nag-uwi ng mga parangal para sa sumusunod na mga obra: “Immortalizing the gentle giant” ni Ian Patrick laqui at Joie Frances Timbas; “COVIDCOMMS 2021: The Bayanihan Coverage: The Covid-19 Crisis Coverage” ninaRabin Bote, Jose Rafael Ballecer, Christine Tapawan, Tricia Soto Jardin, at Paolo Alejandrino; “#LigtasNaBalikEskwela” ni Genise Danga; at“A lighter shade” ni Brin Raizulli Isaac.
Nanalo rin ng ilan parangal ang The Varsitarian, TOMCAT-UST, Tiger Media Network, at iba pang mga mag-aaral ng peryodismo at communication arts ng Unibersidad.