Tigers bigo na maipagpatuloy ang winning streak kontra LPU Pirates
Ni Anton Villegas
Sawi ang UST Growling Tigers sa pagkuha ng panalo kasabay ng pagpanatili sa kanilang winning streak kontra Lyceum Pirates (LPU), 83–73, sa 15th Filoil EcoOil Preseason Cup, Miyerkules ng umaga, sa Filoil Ecooil Center, San Juan.
Ang panimulang sentro na si Ian Herrera ang naging susi ng UST sa opensa na nagtala ng 12 na puntos ngunit nafoul out ito pagdating ng third quarter. Nahirapan naman si Nic Cabanero sa kaniyang opensa at nagtala lamang ng 11 na puntos, rason upang mapako nang matagal ang UST sa kanilang iskor.
Naglaro si Fil-am sentro Gani Stevens nang mabibigat na 18 na minuto, nakakuha siya ng 10 rebounds ngunit siya ay nakapagtala lamang ng walong puntos.
Ang LPU naman ay pinangunahan ng kanilang shooting guard na si Vincent Cunanan na nagtala ng 17 na puntos.
Sa unang panig ng laro ay nag-init ang UST. Nakapuntos ang pitong mga manlalaro nito at naging mahigpit ang kanilang naging depensa, kasabay nito ang magandang ikot ng bola sa opensa.
Natapos ang unang quarter sa iskor na 23–10 lamang ang USTsa kadahilanang maganda ang takbo ng kanilang transisyon at naging mahina ang depensa ng mga Pirata nang hayaan ang mga Tigers na makaiskor ng apat na tres sa unang parte ng laro.
Nagsimula naman ang ikalawang quarter ng laro nang naghahabol ang LPU, pinangunahan ito ni Shawn Umali na umiskor agad ng layup.
Ang bench ng UST ang nagsilbing rason upang masagot ng Tigers ang run ng LPU nang makaiskor si Ivan Lazarte ng isang tres at si Jonathan Gesalem ng fastbreak layup, 42–34.
Sa simula ng 2nd half naman ay nagpasiklab nang lubusan ang gwardya ng LPU na si JR Barba upang makakuha ng 8–0 run sa simula ng quarter, dahilan upang bahagyangmabuhayan ang kanilang koponan.
Sa quarter na ito ay nagkaroon ng sagutan ng mga puntos ang dalawang koponan ngunit nanaig pa rin ang UST. Natapos ang quarter na lamang pa rin ang Tigers ng isang punto dahil sa limang iskor ni Willie Wilson bago matapos ang ikatlong talaan.
Tila naging epektibo ang depensa ng LPU sa simula ng ika-apat na quarter, dahilan upang makapwersa ng mga turnovers kontra sa Tigers at maconvert ito bilang mga fastbreak points. Natapos ang laro sa iskor na 73–83.
Pinangunahan na naman nina Cunanan at Barba ang run nito na hindi na nahabol ng UST. Si Cunanan ay nagtala ng 17 puntos at 8 na rebounds sa laro samantalang si Barba naman ay pumuntos ng 16 para mapasiklab ang Pirates patungo sa kanilang nakamit na panalo.
Ang susunod na laro ng UST ay sa PBA D-League playoffs naman kontra Adalem Construction — St. Clare na gaganapin sa Biyernes, Agosto 5, alas dyes ng umaga, sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.