Tatlong Tomasinong propesor, inuluklok sa lupon ng mga interior designers sa bansa

TomasinoWeb
1 min readAug 17, 2017

--

Ang bagong Board of Directors ng Council of Interior Design Educators (CIDE). Larawan mula sa Facebook page ng CIDE.

Tatlong propesor mula sa Kolehiyo ng Pinong Sining at Disenyo ang itinalaga bilang bagong mga opisyal ng Council of Interior Design Educators (CIDE).

Si Assoc. Prof. Anna Marie Bautista ang itinalagang bise-president para sa mga panlabas na ganap. Siya rin ang tumayong kalihim ng organisasyon mula 2004 hanggang 2014.

Si Bautista ang kasalukuyang assistant director ng UST Museum.

Nanatili sa pwesto bilang ingat-yaman si Flora Urquico.

Samantala, si Asst. Prof. Mary Ann Venturina-Bulanadi naman ay naluklok bilang direktor ng pananaliksik at paglalathala ng CIDE.

Nagagalak si Bulanadi sa oportunidad na ibinigay sa kanya upang makapagbigay ng mas maraming impormasyon sa mga mag-aaral ng interior design sa bansa.

“Aside from seminars and forum, I guess a publication will also materialise from the available sources that we can gather from the forum. These can also be turned into an exhibit, now for public information also. Which I believe is one of the effective means of educating,” ani niya sa isang panayam sa TomasinoWeb.

Si Bulanadi ay isa rin sa mga kasalukuyang consultants sa ginagawang pagsasaayos ng Metropolitan Theater.

Magsisilbi ang mga bagong opisyal ng CIDE hanggang 2020.W.N.O

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet