Tatlong Tomasino, octofinalists sa debate competition sa Asya

ni Carisse Nicole Dumaua

TomasinoWeb
2 min readAug 15, 2017
Larawan mula kay Bianca Lacaba

Tatlong Tomasino ang nagbigay ng karangalan sa Unibersidad matapos silang makapasok sa octofinals round ng United Asian Debating Championship (UADC) na ginanap sa Siem Reap, Cambodia noong ika-5 ng Agosto.

Pinamalas nina Bianca Lacaba, Rafaella Postestades, at Raphaella Miranda ng Thomasian Debaters Council (TDC) ang kanilang galing sa pakikipagdebate at diskurso pagkatapos nilang makapasok sa Top 16.

Noong 2013 pa huling nakapasok ang koponan ng UST sa octofinals ng nasabing patimpalak.

Para kay Lacaba, na tumatayo ring pangulo ng TDC, inamin niya na naging kahinaan ng kanilang grupo ang hindi pagsali sa ibang patimpalak sa ibang bansa.

“That placed us at a disadvantage, because we were not very familiar with the style and strategy used by international teams,” ani Lacaba sa isang panayam sa TomasinoWeb.

Sa kabila nito, masaya ang grupo sa kanilang naabot sa nasabing kompetisyon.

“I am really proud of how far we have gone,” sabi ni Lacaba. “It has been quite some time since the last time that UST broke in an international tournament, so this is really a big deal for us. We hope that this small feat will help us get more people become interested in debating, and help us get more support from our University in our pursuit of promoting critical thinking.”

Bukod sa TDC, itinanghal din na octofinalists ang mga koponan mula sa University of the Philippines Manila at Diliman, at De La Salle University.

Si Andrei Buendia ng Ateneo de Manila University ang pinangalanang Best Debater sa Asya, kasama ni Sajid Khandaker ng Bangladesh.

Ang UADC ang pinakamalaking kompetisyon ng pagdedebate sa Asya. Ginaganap ito taun-taon.

Ito ay gumagamit ng pormat na Asian Parliamentary, kung saan tatlong miyembro ang bubuo sa isang grupo at ibinibigay lamang ang paksa sa pagtatalo 30 minuto bago ang labanan.

Mahigit 70 na grupo mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya ang nakilahok ngayong taon.

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet