Sa paglagpas ng Arko

nina Erikah Cinco at Wynona Orlina

TomasinoWeb
3 min readAug 7, 2017
Mahigit kumulang 6,000 bagong Tomasino ang tumawid sa makasaysayang Arch of the Centuries noong Biyernes, ika-4 ng Agosto. Kuha ni Abbie Vinluan/TomasinoWeb.

Sari-saring mga kulay, libu-libong bagong sibol, at iba’t ibang pangarap ang dumaan sa ilalim ng makasaysayang Arch of the Centuries noong Biyernes, ika-4 ng Agosto. Subalit sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba, pinagbibigkis sila ng iisang pangalan: lahat sila ay mga Tomasino na.

Taong-taon nang tradisyon ng Unibersidad ng Santo Tomas na salubungin ang mga bagong miyembro nito sa pagpasok sa Arko, ngunit tulad ng mga nakaraang taon, bakas pa rin sa mukha ng 6,000 bagong mag-aaral ang pagkasabik kasabay ng bawat hiyawan at paghampas sa mga tambol.

Mahigit kumulang 4,000 bagong mag-aaral mula sa senior high school at 2,114 naman mula sa mga kolehiyo ang mainit na tinanggap ng mga Tomasino sa kanilang Welcome Walk.

Bitbit ang iba’t ibang lobo, payong at makukulay na karatula, sabay-sabay silang nagmartsa patungo sa Arko, at kasama na nito, patungo sa Pamantasan.

Bitbit ng mga bagong mag-aaaral mula sa Pakultad ng Sining at Panitik ang mga bahagharing alampay at payong. Kuha ni Mark Darius Sulit/TomasinoWeb.

Kahit bilad sa matinding sikat ng araw, nangibabaw pa rin ang matinding galak sa kanilang mga mukha, kahit mapaos sila sa kakasigaw ng “Go USTe!” Ngunit, sa gitna ng kasiyahan, batid parin ng marami ang takot at kaba sa pagpasok sa panibagong paaralan.

Kilala man ang UST sa pagiging isang Katolikong institusyon, si Neshrien Amerol, Batch Representative ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand, ay isang Muslim ngunit hindi niya inaalintana ang pinagkaiba ng kanyang paniniwala.

“Okay lang po differences in religion kasi may understanding naman po ang mga Thomasians,” wika niya nang may ngiti sa labi.

Bukod sa pagkakaiba, isa ring ikinakatakot ni Nelson Yap, mula naman sa Accountancy and Business Management (ABM) strand, ang pagiging bahagi ng isang napakalaking komunidad.

Binahagi ni Nelson Yap ng Senior High School ang kanyang mga kinakatakot bilang mag-aaral sa bagong paaralan. Kuha ni Jazmin Tabuena/TomasinoWeb.

“Back to zero nanaman ako; new friends, kailangan ready ako makimingle, at syempre yung pagco-commute, pagiging independent kumbaga, and aside from the pressure, it all boils down to the expectation of the University, parents, and from myself,” ani ni Yap.

Sa misang pinamunuan ni Vice Rector Fr. Richard Ang, O.P para sa mga bagong mag-aaral ng SHS, ipinarating niya na, tulad ng isang magulang, patuloy nilang ipaparamdam ang kanilang paggabay, lalo na sa pagtahak patungo sa kanilang pangarap.

“A few may have feelings of hesitations, of being confused, or at a loss, but this is fairly normal in the beginning; however as the coming days would reveal to you the unknown, this place and this space will surely become your comfort zone. As your second parents, we are genuinely interested with your well being,” aniya ni Ang.

Batid din niyang marami pang haharapin na pagsubok ang bawat Tomasino patungo sa kani-kanilang mga pangarap, kaya naman tulad ng tigre na sagisag ng Unibersidad, inusig ni Ang na huwag agad magpapatalo sa mga darating na mga hamon.

“Learn to survive while becoming like a tiger: It is unpredictable and capable in many surprises,” wika niya, “it perfectly captures the resiliency of the Thomasians.”

Hinamon naman ni Julia Gutierrez, mula sa Pakultad ng Sining at Panitik, ang kanyang sarili.

Hinamon ni Julia Guiterrez ng Pakultad ng Sining at Panitik ang kanyang sarili. Kuha ni Erikah Cinco/TomasinoWeb.

“I will explore outside my comfort zone and challenge myself,” wika ni Gutierrez, “and I will make my mother proud.”

Sa pagtahak ng landas na ninanais, hiniling naman ni Rev. Fr. Herminio Dagohoy, O.P., rektor ng Pamantasan, na sana mahanap nila ang Hesukristo sa kanilang pananatili sa UST.

“It is important to know who Jesus is: He is the heart of Catholic education [...] God is not only a builder of things, but helps you also to build yourself, your future, so you can build the lives of others too.”

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet