Pag-asang makalahok si Obiena sa SEAG, naglaho
nina Gillian Geronimo at Justin Valencia
1 min readAug 19, 2017
Malabong makasali sa Southeast Asian Games 2017 si Ernest John Obiena pagkatapos magtamo ng pinsala sa kanyang anterior cruciate ligament.
Natamo ni Obiena ang pinsala sa ensayong naganap bago ang paglipad nila sa Kuala Lumpur.
“Most probably, I would not be able to compete in SEA Games,”ani Obiena sa isang panayam sa TomasinoWeb.
Nakabinbin ngayon ang estado ni Obiena sa paparating na UAAP Season.
Nanalo si Obiena ng pilak sa nakaraang edition ng SEA Games sa Singapore noong 2015.
Kamakailan lamang ay muling nagtala ng panibagong pambansang record si Obiena mula sa 5.51 metro tungo sa 5.61 metro.