Mga freshies, ‘optimistic’ sa bagong akademikong taon kahit na ‘online classes’

TomasinoWeb
2 min readAug 10, 2022

--

Ni Ian Patrick Laqui

Mga bagong tawid na freshies sa Arch of the Centuries. (Kuha ni Ian Patrick Laqui/ TomasinoWeb)

“Optimistic” o maganda ang pananaw ng mga estudyanteng nasa unang taon ng kolehiyo sa panuruang taon 2022–2023.

Ayon sa mga freshies, tingin nila’y magiging positibo naman ang kanilang unang taon bilang mga Tomasino.

Sa panayam kay Maria Kaela Torres mula sa Faculty of Pharmacy, sinabi niyang maganda ang kaniyang pananaw sa bagong akademikong taon ngunit tingin niya’y mas mainam na ikondisyon niya ang kaniyang sarili sa “worst case scenario.”

“Because I’ve been hearing some Thomasians asking me if sure ka na ba sa UST… so it scares me a bit but excites me at the same time,” aniya.

“I keep reminding myself that to survive, I have to prepare myself mentally for the worst because the overwhelming feeling of adjusting in a new environment is inevitable,” dagdag niya.

Iyan din ang opinyon ng Legal Management freshie na si Chantal Camaquin. Aniya, ang akademikong taon ay magiging “challenging” pero ito’y kayang mairaos sa tulong ng mga taong sumusuporta.

“Looking forward to learning new things po from professors and blockmates, and siyempre sa student council,” aniya.

Maganda rin ang pananaw ni Reyza Ferranco, isang Journalism freshie, sa darating na akademikong taon sa kabila ng pananatili nila sa “enriched virtual mode” na klase sapagkat may mga kurso nang unti-unting bumabalik sa in-person na set up.

“Mas better yung sitwasyon ngayon compared with the last two years…And yung ibang programs nagbabalik na sila sa face-to-face, kind of optimistic kahit kami online parin,” aniya.

Ayon sa mga opisyal ng Faculty of Arts and Letters, ang limitadong face-to-face na klase sa Journalism ay para sa dalawang kurso ng mga estudyante sa ika-apat na taon.

Hindi tulad sa Communication Arts, na nasa kaparehas na departamento ng Journalism, na wala pa ring aprubadong kurso para sa limitadong face-to-face na klase.

Kaya ayon kay Sean Gibytindoy, isang freshie mula sa Comm Arts, idadaan na lamang niya sa pagiging “resilient,” na para sa kaniya ay isang larawan ng mga Pilipino upang ipagpatuloy ang klase.

“Ina-eye po namin ang face-to-face but unfortunately hindi po na[pag]bigyan, gayunpaman, ipagpapatuloy pa rin natin ang klase even though na online,” aniya.

“Nilu-look forward po [namin] even na online po alam na po natin with the “true unity” with our blockmates masusurpass po natin ang sem natin even though na online,” dagdag niya.

Ang serye ng mga kaganapan ay inihanda upang salubungin ang tinatayang 10,000 na freshies noong Martes, Agosto 9. Kabilang sa mga pagdiriwang ay ang ROARientation at Welcome Walk.

Ang kabuuang selebrasyon ng “Onboarding Week” ay ipinalabas sa opisyal na Facebook page ng UST Tiger TV.

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet