Growling Tigers bumitaw sa unang overtime na laban kontra Golden Stags

TomasinoWeb
2 min readAug 10, 2022

--

Ni Deinell Vincent Esplana

(Kuha ni Kenneth Cedric Landazabal/TomasinoWeb)

Bigong makumpleto ng University of Santo Tomas Growling Tigers ang kanilang itinangkang come-from-behind victory matapos silang patumbahin ng San Sebastian Golden Stags na inabot pa ngovertimesa FilOil EcoOil Preseason Cup, 100–96, na ginanap Martes ng hapon sa Filoil EcoOil Center.

Tatlong three-pointer ang ipinukol ng Golden Stags noong overtime period upang ibigay ang momentum sa San Sebastian tungo sa panalo.

Sinubukan ng Tigers na nakawin ang panalo nang mailapit nila sa dalawang puntos ang kalamangan sa pamamagitan ng isang layup mula kay Nic Cabañero.

Pinangunahan ni rookie point guard Kean Baclaan at Cabañero ang kampanya ng Tigers na parehas nakapagtala ng 16 na puntos.

Dalawang magkasunod na tres mula kay Bryan Santos ang tumulong sa UST upang dalhin ang laro sa OT.

Nalimitahan ng depensa ng Stags sa apat na puntos ang leading scorer ng UST na si Sherwin Concepcion na nag may average na 14.5 points per game sa kanilang unang dalawang laro.

Hindi malayong umabot sa overtime period ang laro sapagkat first half pa lang ay dikit ang labang namamagitan sa dalawang koponan. Ang first quarter ay natapos sa iskor na 23–28, lamang ang Stags.

Bago ang OT period, maraming beses na tinangkang ibaba ng Tigers ang kalamangan ng Stags na umabot pa ng 12 points noong 2nd quarter ngunit naputol ng Tigers ang kanilang hinahabol sa isang puntos, 47–48, pagdating ng halftime.

Paglipas ng limang minuto sa simula ng third quarter, nagpabaya ang Tigers upang lumamang ang Stags iskor na 51–62. Pinagsikapan ng Tigers humabol bago umabot sa huling quarter ng laro nang maisara nila ang pangatlong quarter sa iskor na lima na lang ang lamang ng Stags, 64–69.

Anim na manlalaro mula sa Golden Stags ang umiskor ng double-digits upang buhatin ang kanilang koponan patungo sa panalo.

Bumagsak sa 1–2 ang standing ng UST Growling Tigers sa FilOil Preseason Cup matapos ang talong ito.

Samantala, tatangkaing ipanalo ng Builders Warehouse-UST ang kanilang do-or-die matchup kontra Adalem Construction-St. Claire na gaganapin ngayong araw, Miyerkules ng umaga, sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang unang laban ngayong season sa FilOil Preseason Cup na umabot ng overtime.

SCORES:

UST 96 — Baclaan 16, Cabañero 16, Santos 14, Crisostomo 9, Mantua 9, Manalang 8, Pangilinan 7, Gesalem 5, Concepcion 4, Lazarte 4, Garing 3, Herrera 1.

SSCR 100 — Desoyo 13, Are 11, Gabat 11, Escobido 10, Shanoda 10, Yambing 10, Cosari 9, Felebrico 6, Paglinawan 6, Suico 4, Gabat 3, Garcia 3, Barroga 2, Sumoga 2.

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet