‘God bless democracy’: CJB, inihalal ang mga kandidato ng CSC na may matataas na boto
ni Vince Ferreras
“God bless UST and God bless democracy.”
Ito na lamang ang nasabi ni UST Central Commission on Elections (UST COMELEC) chairperson Arvin Bersonda pagkatapos niyang iproklama ang mga kandidatong may matataas na boto noong halalan para sa Central Student Council (CSC).
Pormal nang pinakilala ng UST COMELEC ngayong araw, ika-25 ng Agosto, ang mga bagong opisyal ng CSC.
Ipinroklema sila Steven Muller-Grecia bilang presidente, Gabriela Sepulchere bilang bise presidente, Daveson Nieto bilang treasurer, at Richard Javier bilang auditor.
Lahat sila ay nagmula sa partidong Lakas Tomasino Coalition.
Noong Abril 21, nanaig ang botong “abstain” ng mga Tomasino sa posisyon ng presidente, bise presidente, treasurer, at auditor.
Sila Therese Gorospe at Francis Santos lamang, na parehong tumakbong independent, ang nanalo sa halalan.
Si Gorospe ang hinirang na kalihim at Santos naman ang nanalong public relations officer.
Matatandaang, naghain ng resolusyon ang Central Judiciary Board noong Hulyo 24 kung saan inaatasan nito ang UST COMELEC na ipagsawalang-bahala ang deklarasyon nito sa mga posisyon ng presidente, bise-presidente, treasurer, at auditor bilang bakante.
Sa bagong resolusyon na inilabas ng judiciary board, pinaboran nito ang apela nila Grecia na nag-iisang kandidato sa pagka-pangulo sa CSC at Daniela Frigillana na tumakbo bilang vice president internal sa lokal na konseho ng Pakultad ng Sining at Panitik.
Umapela sila Grecia at Frigillana na ihalalal ang mga kandidatong may matataas na boto kasunod ng “abstain.”
Sa kabila ng apela ni Frigillana, idiniin ni Bersonda na ang nasabing resolusyon ay hindi makakaapekto sa resulta ng botohan sa mga lokal na konseho.
“The resolution of the CJB did not expressly state that its resolution would affect local elections and proclamations, therefore the UST Central COMELEC will not order its local units to the proclaim the candidates second highest to abstain,” ani Bersonda.
Dagdag ni Bersonda, aayusin na ng kanilang organisasyon ang elections code upang hindi na maulit muli ang kaguluhang naganap sa halalan.
“We would like to assure the Thomasian student community that this whole affair will not happen ever again. The Central COMELEC is currently undertaking efforts to recall the University of Santo Tomas Elections Code of 2011 so as to clarify and affirm the definition of abstain vote and other revisions related to the shift of the academic calendar.”
Hinakayat niya rin ang mga Tomasino na suportahan ang kanilang pagsulong para sa isang demokratikong insitusyon.
ERRATUM: Nagkamali ang TomasinoWeb sa apelyido ni Francis Santos na unang nasulat bilang “Ramos.” Humihingi kami ng paumanhin.