Dominikanong madre hinirang na tagataguyod ng katarungan at kapayapaan
ni Carisse Nicole Dumaua
Isang miyembro ng Congregation of the Dominican Sisters ng St. Catherine of Siena ay itinalaga bilang tagataguyod ng katarungan at kapayapaan sa mundo.
Tatlong taon maglilingkod si Sr. Cecilia Espenilla, O.P. sa Dominican Sisters International, simula Sept. 1. Papalitan niya sa pwesto si Sr. Celestina Veloso Freitas ng Brazil.
Siya ay nagtapos ng kursong accountancy sa UST at kumuha ng kurso sa theological studies sa Ateneo de Manila University.
Si Espenilla ang kasalukuyang koordineytor ng Talitha Kum Philppines, isang organisasyon na tumutulong sa paglaban sa human trafficking sa bansa.
Litrato mula sa website ng Order of Preachers