Dekano ng Batas Sibil, itinanggi ang pagbibigay ng komisyon kay Comelec chair

TomasinoWeb
2 min readAug 12, 2017

--

Larawan mula sa DivinaLaw.

Itinanggi ng dekano ng Fakultad ng Batas Sibil na si Nilo Divina ang mga alegasyon ng korupsyon laban sa kanya ni Patricia Bautista, asawa ni Commission on Elections (Comelec) chairperson Andy Bautista.

Sa isang pahayag na nilabas ni Divina kagabi, ika-11 ng Agosto, isinaad niya na nagsimula na siyang gumawa ng mga legal na aksyon upang malinis ang pangalan niya at ng kanyang law firm.

“The recent involving allegations of unexplained wealth against Comelec Chair Andres Bautista has unfairly attempted to drag my name through the mire. Consequently, I have taken legal actions to protect and defend my reputation and the good name of DivinaLaw.”

Nilinaw rin niya na kailanman ay hindi siya nasangkot sa anumang ilegal na gawain.

“I assure you that I have not been involved in any illegal or unethical activity and all my dealings are fair and above-board.”

Sa affidavit na isinumite ni Patricia sa National Bureu of Investigation noong Agosto 1, nabanggit niya na tumatanggap ang kanyang asawa ng mga komisyon at tseke mula sa law firm ni Divina.

“It would thus, appear that Andy (Andres Bautista) secured the services of DivinaLaw, Nilo’s law firm, in order to profit from his position in the Comelec. [B]ased on the documents I found, Nilo issued several checks in Andy’s name and that of his family members, as Andy’s commission for assisting the law firm’s clients with the COMELEC.”

Sinabi rin ni Patricia na matagal ng magkaibigan si Divina at ang kanyang asawa. Si Divina rin ang ninong ng kanilang panganay na si Xavier.

Sa kabila ng mga paratang, hinikayat ng dekano ang mga Tomasino na huwag na lamang pansinin ang mga balitang kumakalat.

“Do not be troubled with exaggerated news but instead focus all your time and efforts towards achieving your aim,” ani Divina.A. Ortega

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet