De Sagon: Maging sabik at masayang nag-aaral

TomasinoWeb
2 min readAug 11, 2022

--

Ni Angela Gabrielle Magbitang Atejera

Screengrab mula sa opisyal na Facebook page ng Unibersidad ng Santo Tomas — Senior High School

Ibinahagi ni Senior High School (SHS) Regent Fr. Ermito de Sagon, O.P. na mapupuno ang departamento ng mga estudyanteng sabik at masayang nag-aaral, noong Miyerkules, ika-10 ng Agosto.

Ayon kay de Sagon, dapat humingi ng tulong mula sa Panginoon na “sumiklab ang apoy” upang magabayan na maisagawa ang mga layunin.

“We ask the Lord in this mass to really set us on fire […] to do the very things that are expected of us […] Senior High will be ablaze with students really wanting to learn really enjoying their learning we want a blaze of smiling students joyfully doing their work,” aniya sa kaniyang homilya para sa Welcome Mass ng ALAB 2022.

Inaasahan ni de Sagon na magpapatuloy ang pagdami ng mga gradweyt na magtatapos nang may honors.

“Sana, we have many brilliant graduates, graduating students next year and the last graduation that we had this year,” sabi ni de Sagon

“Well, I hope that this new generation will do the same, that there will be more graduates who graduate with honors than those without,” dagdag niya.

Pinayuhan din niya ang mga guro na humingi rin ng tulong sa Espiritu Santo upang matulungan silang bigyan ng magandang karanasan ang kanilang mga estudyante sa pag-aaral.

“This is a challenge for the teachers. You have to compete with Mr. Google. You have to present yourself as really inspiring the students because they will never be happy, they will never enjoy learning unless we make it really happy for them as well,” aniya.

Pagkatapos ng misa ay ginanap naman ang tradisyunal na ROARientation at Welcome Walk kung saan tumawid ang mga high schoolfreshmen sa “Arch of the Centuries” na sumisimbolo sa kanilang unang pagpasok sa Unibersidad.

Ang ALAB 2022 ay isa sa mga taunang pagdiriwang ng Unibersidad upang salubungin ang mga bagong mag-aaral ng UST SHS. Ngayong taon, tinayang may 2,900 na bagong Tomasino ang departamento.

--

--

TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas