Charo Santos, hinimok ang mga Tomasino na mga maging mabuting pinuno
Pinaalalahanan ni Charo Santos-Concio ang mga Tomasino na ang pamumuno ay isang imperatibo, tungkulin, at misyon.
Sa paglulungsad ng kanyang aklat na My Journey: The Story of An Unexpected Leader sa Pamatasan nitong Biyernes, ika-18 ng Agosto, nagpaunlak rin ng maikling talakayan ukol sa pamumuno ang dating pangulo ng ABS-CBN.
“Never stop honoring your people. Give them a voice,” ani Santos-Concio.
Sa paglalarawan ng mga aspeto ng isang pinuno, kanyang nabanggit na ang isang pinuno ay gumagawa at unang nakikinig.
Batid din ng kasalukuyang pangulo ng ABS-CBN University na hindi biro ang responsibilidad ng pagiging isang pinuno.
“It is easier to be a follower than to be a leader,” wika niya.
Dagdag pa ni Santos-Concio, pinakamalaking hamon sa pagiging pinuno ay mismong mga tao.
“When you have an idea to lead yourself, only then you can lead people,” wika niya. “When you are authentic and honest to yourself, then you can be authentic and honest to people.”
“Servant leadership is remembered forever,” dagdag pa niya.
Ang paglulungsad ng aklat ni Santos-Concio at ang kanyang talakayan ay pinamunuan ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies kasama ng ABS-CBN. —ni I.J. Jerez at N.S. Reyes