Baclaan at Builders Warehouse-UST, nagpakitang gilas kontra Adalem Construction-St. Clare
ni Francis De Ungria
Pinanatiling buhay ni Kean Baclaan ang Builders Warehouse-UST nang mabura nila ang twice-to-beat advantage ng Adalem Construction-St. Clare sa PBA D-League Aspirants Cup quarterfinals, 98–93, ,Biyernes ng umaga sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
Ito ang ika-apat na sunod na pagkapanalo ng Tigers sa nasabing liga.
Ipinamalas agad ng Adalem Construction-St. Clare ang kanilang galing at natapos ang unang kwarter ng 25–12.
Pero bumawi naman agad ang Builders Warehouse-UST na pinangunahan nina Nic Cabañero at Kean Baclaan nang maibaba nila ang lamang sa apat matapos ang unang kalahati ng laro.
Pagdating ng ikatlong kwarter, nagawang lumamang ng Builders Warehouse-UST. Umabot pa sa siyam na puntos ang kanilang lamang ngunit nabawasan agad ito ng Adalem Construction-St. Clare.
Nagpasiklab ng sagutan ang dating gwardya ng UST Growling Tigers na si Joshua Fontanilla na nagtala ng 13 puntos at ang rookie na si Baclaan na may 16 na puntos sa ikatlong kwarter.
Dumikit ang laban sa huling kwarter ng laro dahil sa pag-iinit ni Jolo Sumagaysay na pumukol ng apat na tres sa buong laro, dalawa sa nalalabing minuto ng nasabing kwarter.gunit sa pangunguna nina Baclaan at Cabañero, naprotektahan ng Builders Warehouse-UST ang kanilang lamang at nagwagi sa laro. Nagwakas ang laban sa iskor na 98–93.
Pinangunahan ni Baclaan ang lahat ng manlalaro sa scoring at assists na may 35 na puntos at limang assists. Nagtala naman ng 25 na puntos si Cabañero at limang steals habang si Sherwin Concepcion ay may double-double na 18 na puntos at 13 na rebounds.
Samantala, si Fontanilla naman ang nagpasiklab sa laban para sa sa St. Clare nang makakuha ng 23 na puntos at limang assists.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Miyerkules, alas diyes ng umaga, sa parehong palaruan dahil may twice-to-beat advantage ang St.Clare gawa ng kanilang 4–3 na talaan noong elimination round.
Ang coach ng St. Clare na si Jinino Manansala ay ang naging head coach ng Tigers noong nakaraang UAAP season.
The Scores:
Builders Warehouse-UST 112 — Baclaan 35, Cabañero 25, Concepcion 18, Manalang 12, Mantua 4, Stevens 2, Pangilinan 1, Santos 1, Canoy 0, Manaytay 0, Herrera 0, Crisostomo 0, Escobido 0
Adalem Construction-St. Clare 83 — Fontanilla 23, Estrada 15, Sumagaysay 14, Rojas 13, Lopez 10, Estacio 8, Gamboa 5, Ndong 4, Manacho 1, Sablan 0, Tapenio 0, Galang 0, Victoriano 0, Acosta 0, Decano 0
Quarters: 12–25, 39–43, 72–70, 98–93.