Ang: ‘“Asahan ang mga pagbabago at maraming responsibilidad sa kolehiyo’”
Ni Xander Ceballos
Asahan ng mga Tomasino freshies ang mga pagbabago at maraming responsibilidad sa kanilang pagsisimula ng kolehiyo sa pamantasan, ang sabi ni UST Rector Fr. Richard Ang O.P noong Martes, ika-9 ng Agosto.
“This is your turning point. Expect changes and more responsibilities in college as well as a heightened sense of autonomy,” aniya sa mga bagong Tomasino sa kauna-unahang ROARientation simula noong 2019matapos ang dalawang taon ng pandemya.
“Right at the very beginning, it pays to have positive thoughts and positive expectations,” dagdag niya.
Ani Ang, naiintindihan niyang nasa proseso pa ng “transition” ang mga freshie, hindi lamang dahil sila ay makakatungtong sa bagong kapaligiran, ngunit dahil din sa kanilang pagbabalik sa pamantasan matapos ang mga taon ng “virtual classes.”
Pinaalahanan din ni Ang ang mga freshies na hindi dapat sumuko sa mga pagsubok at “setbacks” sa kanilang pag-aaral.
“In the face of obstacles and setbacks, you must learn to bounce back like a ball,” wika niya.
“Freshmen, be like a tiger which has strength, ferocity, and power. It is fast, agile, and flexible, making it invincible.”
Binigyang diin ni Ang ang “indelible Thomasian mark” na sumisimbolo sa pananampalataya ng mga Tomasino at kanilanh pagtatrabaho nang may iisang utak at puso.
“Besides being an academic community, we are also a believing and praying community working together with one mind and one heart giving us an indelible Thomasian mark,” wika niya.
Asahan din ng mga freshies na magiging “intellectually stimulated” ang mga klase ngayong linggo at sa mga susunod pa, ayon kay Ang.
“When classes start within the week or next week, whether physical or virtual, expect to be intellectually stimulated. I dare say that the University is responding to the call to make our curricula meet all international standards,” aniya.
Matatandaang kamakailang lamang ay inanunsyo ng Unibersidad ang pagkakaroon ng limitadong face-to-face na klase sa panuruang taon 2022–2023.