4 na programa ng UST, aprubado ng ASEAN University Network

TomasinoWeb
1 min readSep 1, 2017

--

Kuha ni Jester Ramos/TomasinoWeb.

Apat na programa ng Unibersidad ang aprubado ng ASEAN University Network Quality Assurance (AUN-QA) pagkatapos nilang makasunod sa pamantayan ng organisasyon.

Ang mga kursong accountancy, biology, chemistry, at psychology ay nakatanggap ng mga sertipikasyon mula sa AUN-QA na balido hanggang Marso 22. Ang sertipikasyon ay iginagawad rin sa ibang mga prestihiyosong pamantasan sa Asya.

Tinigtignan ng AUN-QA ang pangkalahatang academic performance ng mga kasaping paaralan, batay sa kanilang curriculum structure, kalidad ng pagtuturo, at mga pasilidad na ginagamit.

Ang UST ay naging associate na miyembro lamang ng AUN noong Enero 2016. Nauna nang naging kasapi ng organisasyon ang University of the Philippines, Ateneo de Manila University, at De La Salle University.

Bahagi ng pagiging kasapi ng AUN ang pagkakaroon ng oportunidad na makisali sa exchange programs ng organisasyon at pakikipag-ugnayan sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization at European Union.

Ang AUN ay itinatag noong 1995, kung saan kasapi ang 30 na mga unibersidad mula sa 10 na miyembrong mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations, kabilang dito ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam. — C.N.D.

--

--

TomasinoWeb
TomasinoWeb

Written by TomasinoWeb

The Premier Digital Media Organization of the University of Santo Tomas

No responses yet